August 15, 2010

History Class by Fixing My Cabinet

Sayang...

Noong isang linggo pa namin 'to plano tapos maka-cancel lang. Minsan mas ok din yung mga biglaan na lang na lakad. Hindi perfect pero mas masaya. You don't know what to expect. Katulad nang nangyari kagabi. Biglaan lang na nagkakayayaan kami ng mga kaibigan ko na manood ng sine. Tatlo lang nga kaming nakapunta. Bagong sweldo naman kasi kaya maraming panggastos. Kain lang nang kain. Nabusog din ang mga mata ko dahil ang daming chicks sa Town. Ganda din ng pinanood namin, Grown Ups. It's not a spectacular movie pero marami pa ding lessons at nakarelate kami ng maige. Tapos inuman, kainan, tawanan at kwentuhan hanggang umaga. Ang sarap ng buhay.

Kanina pag gising ko, nalungkot ako sa message na nabasa ko sa phone ko. Di na matutuloy yung binabalak kong pagpapamasahe.

Mga ilang buwan na din kaming walang kasama sa bahay. Kaya ilang buwan na ring walang nag-aayos ng cabinet ko. Napapansin na din yon ng Mommy ko at kanina pinaparinggan nya na ko. Ayusin ko naman daw 'yon. Naisip ko, siguro nga oras na din para isaayos ang napagulong bahaging iyon ng kwarto ko.

Inilabas ko muna lahat ng mga damit na naroon, maliban sa mga naka-hanger. Tiniklop ko yung mga hindi nakatiklop. Ito yata yung mga damit na dapat gagamitin ko kaya isinuot ko pero naisip kong hindi ko pala gustong isuot kaya sa pagmamadali ko ay hinahagis ko na lang pabalik sa loob pagtapos kong kumuha ng kapalit. Pinagsama-sama ko ang mga panlakad, pambahay, pang-gym, panloob, mga luma ngunit pwede pang gamitin, mga ipapamigay na lang at mga di na gagamitin.

Habang tinitingnan ko isa-isa yung mga damit na hindi ko na gagmitin at ipapamigay na lang, naalala ko bigla ang mga kwentong kasama ng mga damit na ito sa aking cabinet.

SHOW TIME!!! OUCH YES!

Hindi ko na talaga sigurado kung saan ko nakuha 'to. Kung hindi ako nagkakamali, bigay to sa akin ni Kuya Nonoy, pinsan ko sa Ligas (Bacoor) , noong nagbakasyon doon sa kanila ng isang beses. Dahil uso noon ang malalaking T-shirt at malambot ang tela nito kaya naging paborito kong pambahay 'to. Ginagamit ko din 'to madalas pag magbabasketball ako. Yun bang ring na gawa-gawa lang tapos maalikabok pa yung court na pinagtatalbugan ng bola. Kaya pagtapos kong maglaro, may itim na kuwintas na 'ko at itim na linya sa likuran ng siko. Kasama ko din kuya ko noon maglaro. Tapos kinagagalitan ako ng Mommy ko dahil pawis na pawis ang damit na 'to. Pinapahirapan daw namin yung naglalaba. Pero kahit ganon, tuloy pa rin sa basketball. Paminsan naghuhubad na lang ako para lang hindi na palit ng palit ng damit at di na mahirapan yung naglalaba. Para hindi na din magalit ang Mommy ko.


PAGE

Ang naaalala ko dito sa damit na 'to ay naging paborito ko itong panlakad. Hindi pa kasi kupas yung "PAGE" na nakasulat tsaka sa tingin ko noon ay magandang brand ng shirt ang Page. Pakiramdam ko sobrang branded ng damit na 'to at mahal kaya astig pag suot ko t'o. Hanggang kumupas na nga yung "PAGE" pati yung kulay ng damit. Na-demote na lang ito bilang extra shirt. Hanggang natabunan na nga lang ito sa cabinet at hindi ko na nagamit kahit pambahay. Hindi ko na rin talaga magamit dahil parang amoy aparador na siya tsaka kupas na nga.

PUERTO GALERA PHILIPPINES

First time kong makarating sa Puerto Galera ay mga sampung taon siguro ako. Company outing ng mga Mommy ko noon at pwedeng isama ang pamilya. Hindi lang nakasama ang kuya ko noon at hindi ko na matandaan kung bakit. Masayang masaya ako noon kasi ito ang pinakamalayo ko nang mapupuntahan at unang beses ko lang sasakay ng ferry boat. Hindi aircon noon sa tinulugan namin at napakalamok kaya hindi ako masyadong natuwa noon. Hindi ko din dati gusto yung pakiramdam ng may buhangin sa shorts at loob ng brief. Ako mismo ang pumili ng shirt na ito noong namimili ang Mommy ko. Malapit na kaming umuwi noon.

Noong ikalawa kong punta sa Puerto Galera ay binata na ako, taong 2008. Binuksan ko pa yung alkansya ko para makasama lang. Kaya ang bigat bigat ng dala ko noon dahil puro barya. Mga barkada ko ang mga kasama ko kaya sobrang tipid ko. Nabuhay ako doon nang nakikihati sa chicken kebab. Magandang manood ng sunset doon. Para kang nasa Mars dahil parang mapula yung paligid pag hapon na. Nagpahena din ako sa kamay.

Hindi pa mukhang bacon yung sa my neckline dati kaya nagagamit ko din na panglakad yan. Ngayon ay hindi ko na magamit kasi masagwa na yung kulubot na kwelyo tsaka parang malutong na yung tela. Bumili na din naman ako ng bagong Puerto Galera Shirt bumalik ako noon doon.

Dragon Knights

Ito yung intrams shirt namin noon Grade 6 ako, Section 6-Love. Obvious naman na intrams shirt yan dahil yung dragon may hawak na bola ng basketball at volleyball. Champion kami nito sa cheering gaya ng nangyari nung Grade 5 kame. Pati sa soccer nagchampion din kami. Dahil doon, libreng yakap yung mga lalaki noon kay Ellenbert! Oh yeah! (Peace Ellen!) Hindi ko matandaan kung champion din ako sa pingpong noon pero ang sigurado ko noon ay first runner-up kami sa basketball. Paano ba naman kasi, naipon sa 6-Peace yung matatangkad at malalaki. Kami asa lang sa team work (Parang Grown Ups lang). Gwardiya pa ang laro ko non dahil maliit ako dati. Naghahabol kami buong game nung championship pero wala talaga. Ayos lang kasi maganda pa din ang laban at magkakaibigan pa din hanggang ngayon. Hindi ko na susuotin to dahil ang init ng tela tsaka hindi na rin kasya sa akin.

St. Ignatius of Loyola

This was our freshmen shirt in High School. Issue ang shirt na ito dahil ito ang napiling design ng class adviser namin na si Ms. Javier. Hindi naman sobrang pangit pero ayaw na ayaw naming suotin. Ayos na din kasi lahat naman kami magsusuot nito (Haha! Peace Jennico!) .Tapos may number pa sa likod. Mabuti na lang at walang pangalan dahil sobra na yon pag nagkataon. Di pa kasi uso ang Photoshop sa amin ng mga panahong ito kaya mga ganitong tipong shirt lang yung nagagawa namin. Malupit pa din talaga si Jennico na dinrawing ang napakagandang design ng shirt. Kasya pa sa akin 'to pero di ko na din susuotin.

Sintomas More

Ito ay napakamemorable na shirt dahil intrams shirt namin ito nung Junior High at noon namin nakamit ang kaisa-isang championship namin sa basketball. Tinalo pa namin ang seniors noon (na hindi na namin matalo ngayon) kaya napakasarap ng moment na yon. Napa-tumbling pa ata ako noon sa sobrang saya. Nagcelebrate pa kami sa Padi's Point na bagong tayo pa lang noon sa Las PiƱas. Ang daming memories nitong shirt na to at school year na yon. Halos lahat masaya. Hindi pa komplikado ang lahat. Basta.

ST. JOSEPH Table Tennis Jersey

Mahilig lang talaga akong magbasketball pero hindi ako natanggap sa try-outs. Magagaling din kasi yung mga kasabayan ko. Pero ayos lang dahil buti na lang may iba din akong sports tulad ng ping pong (walang pang!). Libangan lang kasi namin 'to dati sa Mabini (kung saan ako madalas noong bata ako) ng mga pinsan ko tsaka yung mga kababata namin doon. Doon lang ako natutong maglaro nito. Ang saya dahil nagpapaligsahan pa talaga kami noon at kahit gabi na naglalaro pa din kami. Gusto ko na ulit maglaro! Fastest game on earth.

Ayoko ng suotin to kasi ang kintab ng tela. Kahit pambahay di uubra. Ibibigay ko na lang sa kapatid ko.

What a History class! Sa simpleng pagtitiklop lang ng mga damit, ang dami kong naalala. Siguro kung may natutunan ako dito, yun ay "looking on the bright side of things". Kahit na hindi natuloy yung pagpapamasahe, may nagawa pa din ako maganda. Naexercise din ang utak ko dahil inalala ko talaga yung mga kwentong pwede kong maisip sa mga shirts na yon. Naisip ko din na kahit mas marami na akong responsibilidad at mas malapit na 'ko sa mga pangarap ko, hindi ko pa rin masasabi na "I've grown up". Ineenjoy ko lang yung buhay ko ngayon. Explore lang. Sabi nga ni Coach Buzzer sa Grown Ups, "...So that when that buzzer in your life sounds, eeeeeeeeeeeeeeeeeenk!!!! ....you'll have no regrets." (not the exact words)

April 26, 2010

Ang Pagiging Leader

"Leadership is ultimately about creating a way for people to contribute to making something extraordinary happen." -Alan Keith of Genentech.

Halos tatlong linggo na lang mula ngayon ay mag-eeleksyon na naman sa Pilipinas. Pang-ilang ulit na pero unang beses na automated ang sistema. Mas mabilis nang malalaman kung sino ang magiging susunod na LEADER. Ngunit bago pa man ako mamili ng bagong leader, ipinaranas muna sa akin ito.

Hindi pa man natatapos ang activity namin ng mga kabataan noong mahal na araw ay sinabihan na ako, magiging TEAM LEADER ako ng isang team sa Youth Ministry Sportsfest. Una kong naging reaksyon ay "Ayoko". Maraming dahilan. Una dahil mula noong January ay hindi na ako napahinga sa mga actitivities sa simbahan. Pangalawa ay dahil gusto kong magconcentrate sa trabaho ko. Pangatlong dahilan ay dahil siguradong hindi ako makakarating sa mga practices dahil sa oras ng pasok ko. Sa prinsipyo ko pa naman, hindi ako tumatanggap ng responsibilidad na di ko ginagampanan nang maayos.

Pero ewan ko ba naman kung bakit napapayag ako ng coordinator. Ang sinabi nya lang kasi sa akin ay may mga makakasama naman akong mga assistants kaya hindi magiging mahirap yon. Siguro, nakita ko na din na isa yong isang challenge. Sobrang challenge pala.

Palagi naman akong pumupunta sa sportsfest noong mga nakaraang taon ngunit tulad ng automated elections, first time kong magiging leader ng isang team (sa sportsfest). At dumating na nga ang unang araw ng practice. Lunes noong araw na iyon at nakakalungkot mang isipin, wala ang leader ng Blue Faithful Isaiah. Dahil nga may pagaalinlangan ako sa pagiging LEADER ko, medyo hindi ako masyadong nag-alala. Hanggang dumaan ang ikalawa at ikatlong meeting ng Wednesday at Friday. Guess what? ABSENT pa din ang team LEADER. Paminsan ay kinakamusta ko kung anong nangyare sa meeting mula sa assistants ko. Sinasabi nilang masaya at parami ng parami ang umaattend. Sabado ang susunod na meeting kaya sa wakas ay nakapunta na din ako.

Dumating ako sa practice nang hindi alam ang gagawin. Alam mo yon, gusto kong sabihin na AKO ang LEADER nyo kaso mismong mga members ko, hindi ko alam ang pangalan. Nakakahiya. Iniisip ko nga kung anong iniisip nila sa akin. Kaya sinubukan ko munang maging isang MEMBER. Hindi pa din nagsisink in sa akin na LEADER nila ako. Ang totoo ay naiinggit ako noon sa assistants ko dahil kilala sila ng mga bata at sumusunod sila sa kanila. Para bang leader ako sa pangalan lang.

Natuwa naman ako at parang sinadya na sa huling linggo ng practices ay nag-iba ang oras ng pasok ko. Ibig sabihin ay makakapunta ako sa practices sa umaga at papasok ako sa opisina ng tanghali. Tatlong oras araw-araw ay nabibigyan ako ng pagkaktaon na maging LEADER sa mga alaga ko. Araw-araw na nadaragdagan ang steps namin sa cheering ay unti unti din nagsisink-in sa akin na LEADER ako ng mga batang ito. Araw-araw din ay pa-late ako ng pa-late ng pasok dahil hirap akong iwan ang mga alaga ko lalong lalo na noong nakikita ko kung gaano sila ka-energetic sumayaw. Naisip ko pa nga, "Kukuning namin ang Cheering!"

Dumating ang sportsfest at sinubukan kong maging isang LEADER sa kanila. Hindi ko sila iniwan sa kahit anong laban. Talo man o panalo, panalo pa din para sa akin! Panalong panalo. Cheering kung cheering, sayaw kung sayaw! Ang sarap ng pakiramdam na parte ka ng isang team.

Nagkaroon din ng misa at ang homily, guess what? Tungkol sa mga katangian ng MAGALING na LEADER. Sabi ng pari, ang LEADER daw ay dapat laging PRESENT. Una pa lang bagsak na ko para sa team ko. Dapat daw nakikilala nya ang kanyang mga miyembro. Inaamin ko, kilala ko sila, pero hindi lahat. Ang LEADER daw ay nararamdaman ang mga miyembro at nagpoprovide para sa kanila. Malaki din ang inambag kong pera pero alam kong hindi iyon ang kailangan nila. At ang huling sabi ng pari, ang LEADER ay dapat pinoprotektahan ang kanyang mga miyembro at hind hinahayaang mapahamak sila o maagrabyado. Sa tingin ko naman pasado ko don.

Ang pinakaayoko lang na parte noong sportsfest ay ang awarding ng best team leader. Bukod sa alam kong hindi ako mananalo, hindi man lang ako isinigaw ng mga miyembro ko. Aray ko! Sobrang nakakadown. Pinakaayokong eksena.

Pinakagusto ko naman ay nang in-announce na kami ang nagwagi sa Cheerdance! Muntik pa nga kaming maging over-all champion. Kaya lang alam kong marami din kaming talo kaya hindi na ko masyadong umasa. At saka 2nd best ay di na masama dahil ang tunay na premyo ay wala sa anumang tropeyo kundi sa kaligayahan kasama ang mga kakampi mo.

Siguro ang natutunan ko sa course na ito ay kung paano ako dapat maging kapad naging LEADER ulit ako sa ibang pagkakataon. Di man sa sportsfest, alam kong balang araw magagamit ko din yon. Magiging best leader din ako.

February 10, 2010

NBI Clearance Acquisition

Nagising ako kanina ng mga 8am dahil sa mommy ko. Dahil alam niyang kukuha ko ng NBI clearance sa araw na ito ay gusto niyang isabay na din ang mga iuutos niya sa akin. Unang utos ay ang magbayad ng kuryente sa Meralco at ang pangalawang utos ay ibigay ang ipinanotaryong dokumento sa engineer na nasa Meralco din. Dahil tapat lang ng Meralco ang munisipyo kung saan naroon ang NBI, sunod na lang din ako. Wala din naman akong choice dahil nanay ko yon.

Inuna ko na lang yung mga kailangang gawin sa Meralco dahil madali lang naman matapos yon. Pagtapos non ay tumawid na ko para pumunta sa NBI.

Course Description
Kailangan ko lang naman ng NBI clearance para magkaroon pa ako ng isa pang valid ID bukod sa driver's liscence ko. Dalawa kasi ang kailangan para sa papasukan kong trabaho. Wala pa kasi akong voter's ID hanggang ngayon kahit na matagal na akong registered voter. At base sa pagkakaintindi ko sa NBI clearance, dito nakasaad na wala kang kaso o hindi ka pinaghahabol ng batas. Kung baga sa school, wala kang offense sa discipline office.

Prerequisite
Prerequisite para makakuha ng NBI clearance ay isang sedula. Uso pa pala yon hanggang ngayon. Akala ko kasi pinunit na ng mga katipunero. Sa sedula naman nakasaad na nagbayad ka ng community tax na limang piso. Salamat sa mama na nagsabi sa akin na kailangan pala yon bago pumila. Wala ng pila sa pagkuha nito dahil mabilis lang naman makuha ito. Parang bumili ka lang ng turon. Ganon.

Orientation

Sa wakas makakapila na ko! Makakakuha na ako ng NBI clearance dahil wala naman akong kaso. Kaso lang, hindi pala ganoong kadali iyon. Dahil medyo late na akong dumating doon ay humaba na pala ng humaba ang pila. Kung may pupuntahan ka pa at gagawing importante ay hindi mo na pipiliing pumila. Kung tutuusin, di naman talaga marami ang nakapila. Hiwalay naman kasi ang pila ng lalake at babae. Hindi ko naman maisip kung bakit ganoon ang sistema. Mas mahaba ang pila ng lalake at kung bading ka, sa lalake ka pa din pipila. Siguro ang average na dami ng taong nakapila sa pila ng lalake ay 60. Ang nakakalungkot lang, mabagal ang proseso kaya halos di gumagalaw ang pila.

Natutunan ko na kapag alam mong pipila ka sa pila sa munisipyo, dapat marami kang baong mapapaglilibangan. Buti na lang may laro akong tetris sa cellphone ko. Ilang beses ko din na-beat ang record ko don. May dala din akong ipod medyo maraming kanta din nakasave doon. Tila nalilimutan kong nakapila ako sa halos di gumagalwa na pila.

Dapat din makapal ang mukha mo para magpa-save sa pila sa hindi mo kakilala sa mga pagkakataong kailangan mong umalis sa pila. Applicable lang to siyempre kung wala kang kasama. Natural kailangan mong pumunta sa banyo paminsan para sa tawag ng kalikasan. Kailangan mo din bumili ng pagkain pag nagugutom ka na sa kahihintay. Magpasalamat ka naman kapag lumabas na yung taong nagsusulat ng number sa likod ng sedula mo. Ibig sabihin reserved ka na talaga sa pwesto mo at kung aalis ka di mo na kailangan magpa-save. Tandaan mo lang yung mga kasunod mo. Nung nabigyan ako ng number, sinamantala ko na para makapaglunch. Nag-rice all you can ako dahil sobrang nakakagutom! Kaya naman pagbalik ko sa pila, parang nadudumi ako. Pinigil ko na lang dahil malapit na ako sa step 1. Oo, step 1 pa lang.

May kahabaan at katagalan nga ang orientation (pagpila) sa course na ito. Mga apat na oras lang naman. Nabasa ko din pala na kapag may kapangalan ka sa records ng NBI, ten working days ang hihintayin mo para makuha ang clearancce mo. Kapag wala ka naman sa records nila, walang problem at maya maya lang ay makukuha mo na din yon.

Step 1

Matapos nga ng orientation ay step 1 na nga, magbabayad muna ng P115 kung for local lang ang purpose ng NBI clearance mo. Kung for travel abroad, hindi ko alam kung magkano. Ang kailangan lang sa step 1 ay ang sedula at isang valid ID. Yung ale kanina pinakuha pa ng police clearance dahil 13 years old pa siya don sa dala nyang ID. Buti ako may lisensya ako.

Step 2
Pagtapos non may bibigyan ka ng form pero kailangan ng mga fingerprint ng lahat ng daliri. Ten pesos naman ang bayad don at ang dumi ng kamay mo pagtapos. Buti may wet wipes nang ready don para maalis mo yung tinta sa mga daliri mo pagtapos.

Step 3 at 4

Sa totoo lang ang step 3 ay ipapasa mo na ang finill-up mong form para maiproseso. Napakadali lang nito at napakabilis kung walang sumisingit. Pinalagpas ko na lang yung mga babaeng ginamit yung pagiging babae nila para makasingit sila. Mga tatlo lang naman yon. Pagpasa mo, pipicturan ka na. Smile! Tapos maghihintay ka sa lugar kung saan ka pumila kanina para tawagin ang pangalan mo.

Step 5
Ganito ang nangyari. Yung mama kanina na nagsusulat ng number sa likod ng sedula, siya din yung nagrerelease ng mga clearance. Pero meron din siyang katulong. Siguro kada 20 minutes nagtatawag lumalabas sila para magtawag ng pangalan. Kaya naman pag lumalabas sila, dinudumog sila ng mga tao na para bang mga fans na magpapa-autograph sa paborito nilang artista. Pag nagtatawag naman sila ng pangalan, para namang graduation dahil lalapit yung tao upang tanggapin ang clearance na animo'y diploma. Parang ngang mas excited ang feeling ko non kaysa don sa mismong graduation. Paano ba naman kasi, nakaanim na batch ata ng mga pangalan bago ako tawagin. Hindi pa kasama don yung mga pagkakataon na konti lang yung tinawag nila. Kaya naman noong tinawag ang pangalan ko, napasigaw talaga ako, "Ako yon! Ako yon!".

Uwian na.

February 7, 2010

First Day of Classes

School is finally over. Bagong yugto na naman ng buhay ko ang sisimulan ko. Ibang klaseng naman ang papasukan ko, ang buhay ng "Totoong Mundo" ika nga nila.

Palaging sinasabi ng mga kaibigan kong nagtatrabaho na mas gusto daw nilang balikan ang mga araw na nag-aaral pa sila. Kaso lang naisip ko, kahit gaano man nila kagusto, di na nila mababalikan ang mga panahong iyon, unless may makaimbento ng time machine sa future. Yun nga lang, present pa lang ngayon at hindi pa future.

"Your future begins here" ang tagline ng unibersidad kung saan ako nagtapos. Naalala ko tuloy noong kumukuha pa lang ako ng application form. Excited na excited akong sagutan kaagad ang mga fields. Parang kailan lang yon, mga five years ago. Tapos ngayon, unang araw nang hindi ako manghihingi ng discount sa jeep. Matagal tagal pa siguro ulit bago mangyari yon. Pero pwede pa din naman siguro kung magkulang ang pamasahe ko. Hindi naman halata.

Maagang nagsimula ang araw ko ngayon. Parish Convention kasi sa parokyang aking pinaglilingkuran. Ang naging papel ko ay magplano at tumulong upang maisakatuparan ang masining na balik-tanaw. Akala ko hindi na namin matatapos o magagawa ng maayos. Hindi ko kasi masyadong maasikaso dahil naghahanap ako ng trabaho. Salamat na lang kina Rose a.k.a Krizzy, at Gerson a.k.a Vhoy! Natuwa ang mga tao sa programa ng PCNN (Parish Convention Na Naman). Sulit ang preparations.

Isa ding pinaghandaan ko ay ang posibleng maging trabaho ko. Buti na lang may Job Expo sa school kaya hindi na ko nahirapan mamigay ng resume. Ilang beses din akong nareject sa mga pinag-apply-an ko dahil sa interview. Kailangan ba talagang palagi mong maachieve ang goals mo? Paano kung ginawa mo na naman talaga yung best mo at nakagawa ka ng magandang output na hindi sapat para maachieve ang goal mo? Palpak pa rin ba yon? Kailangan ko pa bang magsinungaling na hindi agressive ang goals ko para lang masabi ko na nakaachieve ako ng goal? Mas tama ba yon sa pagsasabi na totoo at pag-amin ng kahinaan? Ilang beses ko ring narinig ang, "OK then, just expect a call within two weeks". Ilang aptitude na rin ang nasagutan ko. Para bang ayaw nilang may magtrabaho sa kompanya nila. May pumapasa kaya sa mga yon? Ows? Meron? IQ ba talaga ang kailangan? Bakit noong OJT ko, konting IQ lang ang ginamit ko pero gusto naman ako doon?

Sa pagbubukas ng klase ko sa "Real World", marami akong natutunan. Ang first day of classes dito ay katulad ng din ng first day sa school. Hindi mo alam ang mga mangyayare dahil ang mga tao ay hindi binigyan ng kakayahang malaman ang future. Ang tanging magagawa lang ng tao ay maghanda sa mga pangyayare. Kaya nga ako nag-aral ng isang taon sa pre-school, anim na taon sa elementary, apat na taong sa high school at halos limang taon sa college dahil naghanda ako para sa pagkakataong ito. Sabi nila nila marami kang matututunan sa school pero mas madami ka daw matututunan sa labas nito. Kaya nga hindi ako naniniwala na kailangan mong i-reject ang isang tao ng hindi mo pa nalalaman kung papaano siya magtrabaho. Lahat naman kasi ng taong matino at may interes sa trabaho ay matututo.

Sa kaso ko, maswerte na ko dahil kahit papaano ay nakahanap ako ng kompanyang tatanggap sa akin sa trabaho pinaghandaan ko ng matagal sa eskwela. Sino kaya ang mga bagong makikilala ko? Anu-ano kaya ang mga bago kong matututunan? Saan-saan kaya ako makakarating? Kung saan man ako umabot alam kong hindi ako maliligaw dahil si BRO ang gabay ko.

(Ring!!!)

Bell na!

August 23, 2009

Homework: Poetry

I used to hate reading poems, but making them was fun and challenging!

Tanaga, is a poem with a structure of four lines with a 7 syllable measure and AAAA rhyme (traditionally) :

Princess
by Johnrey T. San Miguel

The first time I heard you sing
Revealed love I've been hiding
Your strums comfort my feeling
Your smile gives me a healing


Amabahan, is a poem with a structure of 7 syllable measure and AAAA rhyme all throughout (traditionally):

40 days
ni Johnrey T. San Miguel

'Pag bangon ko sa kama
Nagtungo sa kusina
Sa hapag parang fiesta
Bakit? May okasyon ba?

Menudo, kaldereta
at marami pang handa
Ako pa'y nagtataka
O kay raming bisita

Kumpleto ang pamilya
Magpipinsan, si lola
mga tito at tita
lahat sila, nagpunta

Bigla kong naalala
Forty days na nga pala
Mula nang siya'y mawala
Kaya't nagtanong sila

"Bakit 'di ka sumama
do'n sa panteon kanina?"
Dasal ang alay nila
Kay lolong sa langit na

Nagtampo daw ang lola
Di daw ako nahiya
Tila binalewala
araw ng pag gunita

Di sa 'kin mabubura
Kay sayang alaala
'Pag nasa tomba-tomba,
O nagbibisikleta

Kaya't lola sorry na
Mahal naman po kita
Pinagdasal ko po siya
Nang tayo'y bantayan n'ya