Ang Pagiging Leader
"Leadership is ultimately about creating a way for people to contribute to making something extraordinary happen." -Alan Keith of Genentech.
Halos tatlong linggo na lang mula ngayon ay mag-eeleksyon na naman sa Pilipinas. Pang-ilang ulit na pero unang beses na automated ang sistema. Mas mabilis nang malalaman kung sino ang magiging susunod na LEADER. Ngunit bago pa man ako mamili ng bagong leader, ipinaranas muna sa akin ito.
Hindi pa man natatapos ang activity namin ng mga kabataan noong mahal na araw ay sinabihan na ako, magiging TEAM LEADER ako ng isang team sa Youth Ministry Sportsfest. Una kong naging reaksyon ay "Ayoko". Maraming dahilan. Una dahil mula noong January ay hindi na ako napahinga sa mga actitivities sa simbahan. Pangalawa ay dahil gusto kong magconcentrate sa trabaho ko. Pangatlong dahilan ay dahil siguradong hindi ako makakarating sa mga practices dahil sa oras ng pasok ko. Sa prinsipyo ko pa naman, hindi ako tumatanggap ng responsibilidad na di ko ginagampanan nang maayos.
Pero ewan ko ba naman kung bakit napapayag ako ng coordinator. Ang sinabi nya lang kasi sa akin ay may mga makakasama naman akong mga assistants kaya hindi magiging mahirap yon. Siguro, nakita ko na din na isa yong isang challenge. Sobrang challenge pala.
Palagi naman akong pumupunta sa sportsfest noong mga nakaraang taon ngunit tulad ng automated elections, first time kong magiging leader ng isang team (sa sportsfest). At dumating na nga ang unang araw ng practice. Lunes noong araw na iyon at nakakalungkot mang isipin, wala ang leader ng Blue Faithful Isaiah. Dahil nga may pagaalinlangan ako sa pagiging LEADER ko, medyo hindi ako masyadong nag-alala. Hanggang dumaan ang ikalawa at ikatlong meeting ng Wednesday at Friday. Guess what? ABSENT pa din ang team LEADER. Paminsan ay kinakamusta ko kung anong nangyare sa meeting mula sa assistants ko. Sinasabi nilang masaya at parami ng parami ang umaattend. Sabado ang susunod na meeting kaya sa wakas ay nakapunta na din ako.
Dumating ako sa practice nang hindi alam ang gagawin. Alam mo yon, gusto kong sabihin na AKO ang LEADER nyo kaso mismong mga members ko, hindi ko alam ang pangalan. Nakakahiya. Iniisip ko nga kung anong iniisip nila sa akin. Kaya sinubukan ko munang maging isang MEMBER. Hindi pa din nagsisink in sa akin na LEADER nila ako. Ang totoo ay naiinggit ako noon sa assistants ko dahil kilala sila ng mga bata at sumusunod sila sa kanila. Para bang leader ako sa pangalan lang.
Natuwa naman ako at parang sinadya na sa huling linggo ng practices ay nag-iba ang oras ng pasok ko. Ibig sabihin ay makakapunta ako sa practices sa umaga at papasok ako sa opisina ng tanghali. Tatlong oras araw-araw ay nabibigyan ako ng pagkaktaon na maging LEADER sa mga alaga ko. Araw-araw na nadaragdagan ang steps namin sa cheering ay unti unti din nagsisink-in sa akin na LEADER ako ng mga batang ito. Araw-araw din ay pa-late ako ng pa-late ng pasok dahil hirap akong iwan ang mga alaga ko lalong lalo na noong nakikita ko kung gaano sila ka-energetic sumayaw. Naisip ko pa nga, "Kukuning namin ang Cheering!"
Dumating ang sportsfest at sinubukan kong maging isang LEADER sa kanila. Hindi ko sila iniwan sa kahit anong laban. Talo man o panalo, panalo pa din para sa akin! Panalong panalo. Cheering kung cheering, sayaw kung sayaw! Ang sarap ng pakiramdam na parte ka ng isang team.
Nagkaroon din ng misa at ang homily, guess what? Tungkol sa mga katangian ng MAGALING na LEADER. Sabi ng pari, ang LEADER daw ay dapat laging PRESENT. Una pa lang bagsak na ko para sa team ko. Dapat daw nakikilala nya ang kanyang mga miyembro. Inaamin ko, kilala ko sila, pero hindi lahat. Ang LEADER daw ay nararamdaman ang mga miyembro at nagpoprovide para sa kanila. Malaki din ang inambag kong pera pero alam kong hindi iyon ang kailangan nila. At ang huling sabi ng pari, ang LEADER ay dapat pinoprotektahan ang kanyang mga miyembro at hind hinahayaang mapahamak sila o maagrabyado. Sa tingin ko naman pasado ko don.
Ang pinakaayoko lang na parte noong sportsfest ay ang awarding ng best team leader. Bukod sa alam kong hindi ako mananalo, hindi man lang ako isinigaw ng mga miyembro ko. Aray ko! Sobrang nakakadown. Pinakaayokong eksena.
Pinakagusto ko naman ay nang in-announce na kami ang nagwagi sa Cheerdance! Muntik pa nga kaming maging over-all champion. Kaya lang alam kong marami din kaming talo kaya hindi na ko masyadong umasa. At saka 2nd best ay di na masama dahil ang tunay na premyo ay wala sa anumang tropeyo kundi sa kaligayahan kasama ang mga kakampi mo.
Siguro ang natutunan ko sa course na ito ay kung paano ako dapat maging kapad naging LEADER ulit ako sa ibang pagkakataon. Di man sa sportsfest, alam kong balang araw magagamit ko din yon. Magiging best leader din ako.
No comments:
Post a Comment