Biggest Battle
Ang ganda pala nitong kanta na to:
The Warrior is a Child
by Gary Valenciano
Lately I've been winning battles left and right
But even winners can get wounded in the fight
People say that I'm amazing
I'm strong beyond my years
But they don't see inside of me
I'm hiding all the tears
Chorus:
They don't know that I come running home when I fall down
They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
'Coz deep inside this armor
The warrior is a child
Unafraid because His amor is the best
But even soldiers need a quiet place to rest
People say that I'm amazing
I never face retreat, oh no
But they don't see the enemies
That lay me at His feet
***
Nitong mga huling araw, tila sinuswerte ako. Di naman ako nagkukulang sa pera ngayon dahil sa trainee ako sa isang semiconductor plant sa Laguna at halos wala akong ginagastos kaya nakakaipon ako. Marami din naman akong natututunan na tila di ko rin magagamitpag nagtatrabaho na ko talaga. Nag-eenjoy lang ako sa mga kasamahan ko.
Kailan lang ay nagkita kami ng ilang mga kaibigan ko upang magsaya kasama ang mga bote ng alak at mikropono ng magic sing. Hindi ko makakalimutan ang gabi na yon dahil noon ko na lang ulit sila nakasama. May mga bago pa din akong nakilalang mga kaibigan at matagal ng mga kakilalang mas napalapit din sa akin dahil sa kasiyahang yon. Nalaman ko din na halos lahat sila don ay magtatapos na at martsa na lang ang hinihintay. Sa loob loob ko, "Buti pa sila."
Hindi ako naiinggit. Katunayan ay masaya ako para sa kanilang lahat. Lalo na at gusto ko din silang makapasa ng mga board exams na pagdaraanan nila. Malapit na din naman akong magtapos. Ngunit, ngayong summer pa lang magsisimula ang laban. Kailangan matapos namin ang thesis nang sa gayon ay makagraduate kami pagkatapos ng susunod na trimester. Marami kaming plano noon na hindi namin nagawa kaya naman umikli ng umikli ang oras namin. Ang isa sa mga kagrupo ko, nangangambang di namin matatapos ito sa tamang oras. Pero kung ako naman ang tatanungin, sa tingin ko ay kaya yan!
Sasabihin ko dapat na hindi naman ako nagmamadali makatapos pero hindi ako magiging totoo kung ganon. Yung kasamahan ko nga sa OJT, hindi pa rin daw siya makakagraduate ngayong March. Kaya naman lagi ko lang sinasabi sa kanya, "Hayaan mo, yung mga nagpapakahirap at nagtatagal sa pag-aaral, mas yayaman yon." Hindi ko alam kung naniniwala siya at ako pero ganon na lang iniisip ko para di ako malungkot. Alam ko namang patas ang Diyos. Sa pinakamatinding labanan na ito sa aking pagiging estudyante, alam kong mananalo ako dahil kakampi ko si God. Mawawalan nga siguro ako ng summer vacation. Pero sa huli, malalasap ko din ang TAGUMPAY!
Tulad ng isang alagad, iaalay ko para sa'yo ang lahat...
Lahat para sa karangalan Mo! Walang sukuan to Bro!

2 comments:
maganda nga
di ba si pizzara kumanta niyan? hehe
si mark nga kumanta non. pambato ko kaya siya non kaso talo.haha! Sayang!
Post a Comment