Ang Pagkain ng Hipon
Nakakatamad itong araw na 'to. Parang ang ikli ikli! Kung sa bagay anong oras na din naman ako nagising, mga 10am na ata. Kulang pa rin ako sa tulog dahil na puyat ako kagabi sa isang coffe shop kasama ang mga kaibigan ko. Ako lang magisa sa maghapon. Tapos kumain lang at nanood saglit. My napanood ako sa TV na nagcocompose ng isang song. Natuwa ako at naengganyo. Kaya tuloy naisip kong gayahin. Pinatay ko na lang yung TV at umakyat sa kwarto. Kinuha ko ang gitara at sinimulang kalabitin ang mga strings nito. Nakaisip ako ng mga ilang chord patterns at sinubukan kong lagyan ng lyrics ang tugtugin. Hindi siya madaling gawin dahil inabot na ako ng mga alas dose ay aapat (4) na linya lamang ang naisulat ko. Bigla na kasi akong inantok at nakatulog nang hindi man lang nakakain ng tanghalian. Nang maalipungatan ako ay magaalas-singko na pala bumaba ako at nalaman kong wala pa ring tao sa bahay kundi ako. Binuksan kong muli ang telebisyon at nilipat ang channel hanggang nakita kong may laban pala ang Red Bull at ang Air21 sa PBA. Kasisimula lang kaya naisip kong yun na lamang ang panoorin. Bigla rin akong nagutom kaya't ininit ko na lang ang ulam na nasa ref at kinain ko ito. Sa sobrang gutom ko ay naubos ko ang nasa tupperware. Sa harap ako ng TV kumain habang pinanonood ang laban ng dalawang kupunan. Ang ganda ng wrap around ni Baguio! Astig! Red Bull ako kampi dahil nahabol nila ang labing-isang puntos na kalamangan. Pero ang tanga lang nila at nagpabaya sa bandang huling bahagi ng laro at natalo. Dumating na pala kuya ko. Sa wakas may kasama na ako.Pinagyabang na naman ang kanyang katawan. Pero sa totoo lang ay kulang pa ang kanyang workout dahil hindi pa ganong kaganda ang katawan niya. Kaya para di naman siya maoffend ay umo-oo na lang ako sa kanya. Maya maya pa ay dumating na ang iba pang miyembero ng pamilya: si Nicel (nakababatang kapatid na babae), Ate Mel (kasama sa bahay), at ang mommy at daddy ko. Galing pala sila ng Divisoria at namili ng mga pangregalo sa pasko. Pagtapos ay kumain na kami nang sabay sabay. Hipon na may oyster sauce ang ulam. Masarap sana ngunit maliliit nga lang ung mga hipon. Kaya as usual nagreklamo na naman sa pagkain. Si Nicel at ang kuya ko nagkasundo sa pagsangayong ayaw nila sa hipon dahil kailangan mo pang balatan para lang kainin. Pumasok naman sa isipan ko na siguro ganon lang talaga ang buhay, parang pagkain ng hipon o alimasag. Bago mo makuha ang gusto mo, kailangan mo munang paghirapan. Tama rin naman di ba. Mas masarap lasapin ang isang bagay kapag pinaghirapan. Siguro sa pagkuha natin ng gusto natin, maaaring matutusok at masugatan pa tayo. Pero kung gusto talaga natin ay hindi natin ito dapat sukuan. Sukaan pa natin para mas masarap! Haha! Hindi ko naman sinasabing mali ang mga kapatid ko. Mahirap naman talagang balatan pa ang mga hipon. Ito naman ay isa lang realization ko. Mahirap talaga yung mga bagay sa una pero pag nasanay ka naman mgbalat ng hipon ay madali na lang di ba. Para lang yang pagcocompose ko ng isang kanta kanina. Siguro hindi naman talaga ako binigyan ng Diyos ng talento para sumulat ng mga kanta katulad ng ibang tao. Pero kung gusto ko talaga, siguro dapat ay paghirapan ko din di ba. Darating din yung araw na makakabuo din ako ng isang kanta o mahigit pa. Ngayon, dadagdagan ko muna ng paunti unti ang kantang yon. Pag tagal tagal din matututunan ko din yan. Haha! Kaya sana pag kakain kayo (kayong makakakabasa nito) ng hipong o alimango, maalala nyo na mas masarapan lasapin ang kagandahan ng isang bagay na pinakamimithi natin kung ito ay pinaghirapan.
Ang drama ko ngayon a...Hehe :)
Ang drama ko ngayon a...Hehe :)
3 comments:
hehe gnun? sna nga gnun.. pero may mga bagay tlga na kahit paghirapan mo eh hndi mo tlga makukuha dahil hndi pra syo.. nkakainis! haha
oo nga, yung tipong hindi ka na rerewardan ni God.. pero siguro may reward yun, pero sa ibang aspeto naman.
nakakatuwa. kasi the other day, i was also eating small buttered shrimps for dinner, at pareho tayo ng naisip. ang hrap kasi kainin. pero ang ganda nung realization mo ah. naisip ko din na kung sakali man makuha mo na ung bagay na un, mas pahahalagahan mo kasi pinaghirapan mo. hehe. wala lang. :)
Post a Comment