August 23, 2009

Homework: Poetry

I used to hate reading poems, but making them was fun and challenging!

Tanaga, is a poem with a structure of four lines with a 7 syllable measure and AAAA rhyme (traditionally) :

Princess
by Johnrey T. San Miguel

The first time I heard you sing
Revealed love I've been hiding
Your strums comfort my feeling
Your smile gives me a healing


Amabahan, is a poem with a structure of 7 syllable measure and AAAA rhyme all throughout (traditionally):

40 days
ni Johnrey T. San Miguel

'Pag bangon ko sa kama
Nagtungo sa kusina
Sa hapag parang fiesta
Bakit? May okasyon ba?

Menudo, kaldereta
at marami pang handa
Ako pa'y nagtataka
O kay raming bisita

Kumpleto ang pamilya
Magpipinsan, si lola
mga tito at tita
lahat sila, nagpunta

Bigla kong naalala
Forty days na nga pala
Mula nang siya'y mawala
Kaya't nagtanong sila

"Bakit 'di ka sumama
do'n sa panteon kanina?"
Dasal ang alay nila
Kay lolong sa langit na

Nagtampo daw ang lola
Di daw ako nahiya
Tila binalewala
araw ng pag gunita

Di sa 'kin mabubura
Kay sayang alaala
'Pag nasa tomba-tomba,
O nagbibisikleta

Kaya't lola sorry na
Mahal naman po kita
Pinagdasal ko po siya
Nang tayo'y bantayan n'ya